Board exam?
Wala pang board exam prinaprocess palang at sana maaprobahan na, pero pwede kang mag exam ng CpE certification. Sabi ng isa kong prof kung plano mo daw magtrabaho sa ibang bansa, mas ok daw talagang kumuha ka ng certification kasi yung may certficate daw talaga ang kinukuha ng mga company abroad. Kung sa pilipinas ka naman mag tatrabaho dalawang certificate na ang kunin mo CpE certificate at Civil Service certificate mas prefer kasi ng government ang may CSC eligibility pero kung private company ang papasukan mo depende nalang yan sa standards nila.
Isa sa mga kadahilanan kung bakit walang pang board exam ang CpE kasi mabilihis pag asenso ng technolohiya, maraming nababago at nadadagdag sa pag aaral ng technolohiya taon taon at alam naman natin na napakalawak ng technolohiya maraming pag-aaral ang sakop nito, kaya naman inaasahan na mahihirapan silang gumawa ng board exam dahil dito.
May mga sabi sabi din na pwede daw mag take ng ECE or EE board exam ang CpE graduate ewan ko lang kung may katotohanan, pero sa pag kakaalam ko ang pwedeng i take ng CpE graduate ay ang Electronic Technician board exam, para payagan kang mag take nito dapat kunin mo muna ang subject ng ECE na "ECE Laws and Ethics". Marami pa sigurong pwedeng itake na exam for eligibility hindi lang natin alam.
Kaya kung balak nyo talaga ang kursong ito at nasa puso nyo talaga ang pagiging inhinyero na may hilig sa makabagong technolohiya bagay itong kurso na ito para sayo. Kaya siguro pinag sama-sama ang Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) na strand ngayon sa senior high para sa ganun maging handa kayo at malaman nyo kung nababagay ba talaga kayo sa course na to.
PS: Nasa old curriculum pala ako hindi ko na naabutan ang k-12 program na yan, swerte nyo parin kasi masusubok nyo ang skills and knowledge nyo sa science, technology, engineering, at mathematics para sa ganun mapag isipan nyo pa kung anong degree ang kukunin nyo sa college. Opinyon ko lang to base sa mga nabasa at narinig ko. Sana makatulong to sayo.
Salamat sa pagbabasa!